UN Secretary-General's Message for the International Day of UN Peacekeepers, 29 May 2020
27 May 2020
- The theme of this year’s observance – Women in Peacekeeping – highlights their central role in our operations
The video message is found here.
[Filipino translation found below]
Today we honor more than one million men and women who have served as United Nations peacekeepers and the more than 3,900 who have lost their lives in the line of duty.
We also express our gratitude to the 95,000 civilian, police and military personnel currently deployed around the world.
They are facing one of the greatest challenges ever: delivering on their peace and security mandates while helping countries to address the COVID-19 pandemic.
The theme of this year’s observance – Women in Peacekeeping – highlights their central role in our operations.
Women often have greater access in the communities we serve, enabling us to improve the protection of civilians, promote human rights and enhance overall performance.
This is especially important today, as female peacekeepers are on the frontlines in supporting the response to COVID-19 in already fragile contexts – using local radio to spread public health messaging, delivering necessary supplies to communities for prevention, and supporting efforts of local peacebuilders. Yet, women continue to represent only 6 per cent of uniformed military, police, justice and corrections personnel in field missions.
As we commemorate the 20th anniversary of Security Council Resolution 1325 on Women, Peace and Security, we must do more to achieve women’s equal representation in all areas of peace and security.
Together, let us continue to wage peace, defeat the pandemic and build a better future. [Ends]
Filipino translation as follows:
Sa araw na ito, binibigyang papauri natin ang higit sa isandaang milyong kalalakihan at kababaihan na nagsilbi bilang United Nations peacekeepers at ang higit sa 3,900 na pumanaw sa pagganap ng kanilang tungkulin.
Pinasasalamatan din natin ang 95,000 sibilyan, pulis at sandatahang tauhan na kasalukuyang nanunungkulan sa buong mundo.
Hinaharap nila ang isa sa pinakamahirap na hamon sa kanilang buhay: ang pagpapanatili sa katahimikan at seguridad habang tumutulong sa mga bansa na labanan ang COVID-19.
Ang tema ng pagtalima natin ngayong taon—Kababaihan sa Pagpapapnatili ng Katahimikan—ay nagpapatunay sa kanilang kahalagahan sa peacekeeping operations ng UN.
Malimit ay mas nararating ng mga babae ang mga komunidad na ating pinagsisilbihan, at dahil dito, napapabuti natin ang pangangalaga sa mga sibilyan, naitataguyod ang karapatang pangtao, at gumaganda ang ating gawain.
Ito ay mas lalong mahalaga ngayon, dahil ang mga babaeng peacekeeper ay nasa bungad ng pagsusuporta sa pagtugon sa COVID-19 sa mga lugar na marupok na—sa paggamit ng radio upang isahimpapawid ang mensaheng pangkalusugan, sa paghahatid ng kinakailangang kagamitan sa mga komunidad. Sa kabila nito, ang kababaihan ay bumubuo ng anim na porsiyento lamang ng unipormadong sundalo, pulis, at namamahala sa hustisya at mga preso sa field missions.
Habang inaalala natin ang ika-20 anibersaryo ng Security Council Resolution 1325, patungkol sa Kababaihan, Katahimikan at Seguridad, kailangang magsumikap pa tayo upang makamit ang pantay na pangangatawan ng mga babae sa lahat ng aspeto ng katahimikan at seguridad.
Sama-sama nating patuloy na ipaglaban ang katahimikan, talunin ang pandemya at bumuo ng mas magandang hinaharap. [Nagtatapos]
Translated to Filipino by Teresa Debuque, national information Officer of the UN Information Center Manila