Global wake-up call -- Op-ed by UN Secretary-General
01 July 2020
- In his latest op-ed Mr. Antonio Guterres says, "The pandemic, as horrible as it is, must be a wake-up call that prompts all political leaders to understand that our assumptions and approaches have to change, and that division is a danger to everyone."
by Antonio Guterres
[Filipino translation follows below.]
From COVID-19 to climate disruption, from racial injustice to rising inequalities, we are a world in turmoil.
At the same time, we are an international community with an enduring vision – embodied in the United Nations Charter, which marks its 75th anniversary this year. That vision of a better future — based on the values of equality, mutual respect and international cooperation — has helped us to avoid a Third World War that would have had catastrophic consequences for life on our planet.
Our shared challenge is to channel that collective spirit and rise to this moment of trial and test.
The pandemic has laid bare severe and systemic inequalities both within and between countries and communities. More broadly, it has underscored the world’s fragilities – not just in the face of another health emergency, but in our faltering response to the climate crisis, lawlessness in cyberspace, and the risks of nuclear proliferation. People everywhere are losing trust in political establishments and institutions.
The emergency is compounded by many other profound humanitarian crises: conflicts that are continuing or even intensifying; record numbers of people forced to flee their homes; swarms of locusts in Africa and South Asia; looming droughts in southern Africa and Central America; all amid a context of rising geopolitical tensions.
In the face of these fragilities, world leaders need to be humble and recognize the vital importance of unity and solidarity.
No one can predict what comes next, but I see two possible scenarios.
First, the “optimistic” possibility.
In this case, the world would muddle through. Countries in the global North would engineer a successful exit strategy. Developing countries would receive enough support and their demographic characteristics – namely, the youth of their people – would help contain the impact.
And then perhaps a vaccine would appear in the next nine months or so, and would be distributed as a global public good, a “people’s vaccine” available and accessible to all.
If this happens, and if the economy starts up progressively, we might move towards some kind of normality in two or three years.
But there is also a second, bleaker scenario in which countries fail to coordinate their actions. New waves of the virus keep occurring. The situation in the developing world explodes. Work on the vaccine lags — or even if there is a vaccine relatively soon — it becomes the subject of fierce competition and countries with greater economic power gain access to it first, leaving others behind.
In this scenario, we could also see greater movement toward fragmentation, populism and xenophobia. Each country could go it alone or in so-called coalitions of the willing to address some specific challenges. In the end, the world would fail to mobilize the kind of governance needed to address our shared challenges.
The result may well be a global depression that could last at least five or seven years before a new normal emerges, the nature of which is impossible to predict.
It is very difficult to know if we are moving in one direction or the other. We must work for the best and prepare for the worst.
The pandemic, as horrible as it is, must be a wake-up call that prompts all political leaders to understand that our assumptions and approaches have to change, and that division is a danger to everyone.
This understanding could lead people to recognize that the only way to address global fragilities is through much more robust mechanisms of global governance with international cooperation.
After all, we cannot simply return to the systems that gave rise to the current crisis. We need to build back better with more sustainable, inclusive, gender-equal societies and economies.
In doing so, we must reimagine the way nations cooperate. Today’s multilateralism lacks scale, ambition and teeth — and some of the instruments that do have teeth show little or no appetite to bite, as we have seen in the difficulties faced by the Security Council.
We need a networked multilateralism, in which the United Nations and its agencies, the World Bank and the International Monetary Fund, regional organizations such as the African Union and European Union, trade organizations and others work together more closely and effectively.
We also need a more inclusive multilateralism. Governments today are far from the only players in terms of politics and power. Civil society, the business community, local authorities, cities and regional governments are assuming more and more leadership roles in today’s world.
This, in turn, will help lead to an effective multilateralism with the mechanisms it needs to make global governance work where it is needed.
A new, networked, inclusive, effective multilateralism, based on the enduring values of the United Nations Charter, could snap us out of our sleepwalking state and stop the slide towards ever greater danger.
Political leaders around the world need to heed this wake-up call and come together to address the world’s fragilities, strengthen our capacity for global governance, give teeth to multilateral institutions, and draw from the power of unity and solidarity to overcome the biggest test of our times.
Antonio Guterres is the Secretary-General of the United Nations.
Filipino translation
Panggising sa Mundo
Ni Antonio Guterres
Ang ating daigdig ay nasa gitna ng kaguluhan—magmula sa COVID-19 at pagkalansag ng klima, mula sa paglabag sa katarungan bunsod ng lahi at papatinding hindi pagkakapantay-pantay.
Sa kabilang dako, tayo ay isang pandaigdig na komunidad na may pangmatagalang pangitain—na nakapaloob sa United Nations Charter na magpipitumpu’t limang anibersaryo sa taong ito. Ang pangitain ng mas maiging hinaharap—base sa pagpapahalaga sa pagkakapantay, respeto sa isa’t isa at pagtutulungang pandaigdig—ay tumulong sa ating makaiwas sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig na siguradong magbubunga ng kapahamakan para sa ating planeta.
Ang panlahat na hamon ay ituon ang ating pinag-isang sigla at tumindig sa sandaling ito ng paghamon at pagsubok.
Inilantad ng pandemya ang mga malubha at sistematikong di pagkakapantay sa loob at sa pagitan ng mga bansa at komunidad. Sa mas malawak na pananaw, binigyang diin ng pandemyang ito ang mga karupukan ng mundo—hindi lang sa harap ng emerhensiyang pangkalusugan kundi maging sa ating pagtugon sa krisis sa klima, kawalang ng batas sa cyberspace at sa peligro ng paglaganap ng enerhiyang nukliyar. Sa lahat ng dako ang mga tao ay nawawalan ng tiwala sa mga institusyong pampolitika.
Nagpapalala sa pandemya ang maraming krisis sa makataong pagtulong: hidwaan na patuloy o lumalala; laksang tao na napilitang lumikas sa kanilang tahanan; pagkuyog ng balang sa Africa at South Asia; paparating na tagtuyot sa southern Africa at Central America; lahat sa gitna ng tumitinding tensiyong geo-politikal.
Sa gitna ng mga karupukang ito, kailangang magpakumbaba ang mga lider ng mundo at kilalanin ang kahyalagahan ng pagkakaisa.
Walang makapagsasabi kung ano ang paparating, ngunti dalawang posibleng senaryo ang nakikita ko.
Una, ang maasahing posibilidad.
Sa kasong ito, ang mundo ay makalalampas. Makakagawa ang mga bansa sa Global North ng matagumpay na exit strategy. Makakatanggap ang mga umuunlad na bansa ng sapat na ayuda at ang kanilang katangiang demigrapiko, lalo na ang kanilang mga kabataan, ay makakapigil sa tama.
Marahil ay magkakaroon na ng bakuna sa susunod na siyam na buwan at ito ay ipamamahagi bilang pampublikong kagamitan, isang bakuna para sa tao na makukuha st matatanggap ng lahat.
Kapag nangyari ito, at ang ekonomiya ay patuloy na umandar muli, maaaring tumungo tayo sa isang uri ng normalidad sa dalawa o tatlong taon.
Ngunit mayroon ikalawa at mas nakakatakot na senaryo kung saan mabibigo ang mga bansa na pagugnayin ang kanilang pagkilos. Magpapatuloy ang mga bagong alon ng virus. Sasabog ang sitwasyon sa mga umuunlad na bansa. Babagal ang paggawa ng bakuna—at kahit na mabilis na magkakaroon ng bakuna—ito ay pagaagawan. Ang mga mayayamang bansa ay mauuna, at maiiwanan ang iba.
Sa senaryong ito, makikita din natin ang paglala ng pagkakawatak-watak, populismo at xenophobia. Ang bawat bansa ay magsasarili o makikigrupo ayon sa particular na hamon. Sa bandang huli, mabibigo ang mundo na pakilusin ang uri ng pangangasiwa na kayang tugunan ang mga hamon sa atin.
Maaaring magresulta ito sa pandaigidig na depresyon na tatagal nang lima o pitong taon bago sumulpot ang bagong normal, na imposibleng mahulaan ang katangian.
Napakahirap malaman kung tayo ay tumutungo sa isang direksiyon o sa kabila. Kailangan tayong magsumikap para sa pinakamainam at maghanda para sa pinakamalala.
Kahilahilakbot man ang pandemya, ito ay panggising na magtutulak sa mga lider political upang maintindihan na ang ating mga palagay at kinagawian ay dapat magbago, at ang pagkakawatak-watak ay mapanganib para sa lahat.
Ang pangunawang ito ay maghihimok sa mga tao na kilalanin na ang tanging paraan upang matugunan ang mga karupukan ng mundo ay ang pagtatatag ng mga matipunong pangangasiwa sa mundo sa tulong ng pandaigdig na kooperasyon.
Sa bagay, hindi tayo puwedeng bumalik sa mga kinagawian na nagbunsod sa krisis na ito. Kailangan tayong bumangon nang mas maigi, sa pamamagitan ng lipunan at ekonomiya na ingklusibo, at pantay sa mga kasarian.
Kailangan nating pagibayuhin ang pangitain ukol sa pagtutulungan ng mga bansa. Ang multilateralismo sa ngayon ay kulang sa antas, ambisyon at ngipin. Ang mga instrument na may ngipin ay walang ganang kumagat, tulad na lang ng nakikita nating kahirapan sa Security Council
Kailangan natin ng multilateralismo na naka-network, kung saan ang United Nations at mga ahensiya nito, and World Bank at International Monetary Fund, ang mga organisasyong pang-rehiyon tulad ng African Union at European Union, mga samahan ng trabaho at iba pa ay nagtutulungan nang malapitan.
Kailangan din natin ng multilateralismo na mas ingklusibo. Ang mga pamahalaan ngayon ay ilann lang sa mga actor sa politika at kapangyarihan. Patuloy na lumalaki ang papel sa mundo ng civil society, negosyo, lokal na awtoridad at pamahalaan sa rehiyon.
Sa pamamagitan nito, susulpot ang multilateralism na mas epektibo at may mga mekanismo na magpapaandar ng pandaigdig na pangangasiwa ng mundo.
Isang bago, naka-network, ingklusibo at epektibong multilateralismo, na nakabatay sa pinahahlagahan ng United Nations Charter, ang gigising sa atin mula sa pagkatulog at hihimpil sa pagdausdos natin sa mas malalang panganib.
Kailangang pakinggan ng mga lider sa mundo ang paggising na ito at magkaisa upang matugunan ang mga karupukan ng mundo, palakasin ang ating kakayahang pangasiwaan ang daigdig, bigyan ng ngipin ang mga institusyong multilateral, at humugot ng lakas sa pagkakaisa at pagtutulungan upang mapagtagumpayan ang hamon ng ating panahon.
Si Antonio Guterres ang Secretary-General ng United Nations
Translated to Filipino by Teresa Debuque, National Information Officer, UNIC Manila